°12: Bulaklak, Tao at Pag-ibig

Kailan lamang may mga bagay akong napagtanto habang nagbubunong braso ang nakapapasong sikat ng araw at ang bugso ng paparating na ulan. Isa sa mga ito ang tunay ngang hindi ko makakalimutan.

Sa buhay natin sadyang marami tayong makikilala at mamahalin na tao. Naisip ko na ako mismo ay marami nang taong nakadaupang palad. Ngunit, hindi ko rin maipagkakailang marami rin sa kanila ang piniling umalis sa aking buhay. Mga kaibigang walang kalagyan ang pagmamahal ko sa pag-uumapaw at ang mga tao na dapat meron ako ngunit hindi ko man lamang nasilayan, tulad ng isang tatay. ‘Yun pala ang dahilan kung kaya’t tayong mga tao ay takot na maiwanan o masaktan at kung minsan ang sobrang pagmamahal natin ay nagdudulot na ng kasiraan sa ating mga iniibig.

MB1.jpg

* * *

Sa sobrang takot pala natin na mawala sila, sobrang napapahigpit ang ating paghawak sa kanila. Sukdulang hindi na sila makakilos o makahinga man lang. Imbis tuloy na maramdaman nila ang ating pagmamahal, nasasaktan na pala sila. Tayo rin pala ang nagtutulak sa kanila palayo sa ating mga kamay. Hindi pala tama, lahat talaga ng sobra ay hindi tama. Imbis na bumusilak sila bilang magagandang mga bulaklak, tayo pala ang nagbubunsod sa pagkasira at pagkalanta ng mga talulot nila. Sinira pala natin sila sa sarili nating mga kamay nang hindi natin namamalayan.

MB2.jpg

* * *

Kasabay nang malakas na pagragasa ng ulan ang tila para bang pagbuhos sakin ng mga bagay na dapat kong pagnilayan. Napagtanto ko na ang tunay na pagmamahal pala ay yung hindi nakasandal sa haligi ng takot–takot na maiwanan, takot na masaktan o takot na makalimutan. Ang tunay na pagmamahal pala ay ‘yung paghawak sa mga bulaklak nang hindi masyadong mahigpit o hindi masyadong maluwag, yung katamtaman lang dapat. Ganoon din sa pamilya, mga kaibigan at lahat ng mga mahal natin sa buhay.

MB3.jpgCanon Kiss X2

Ang tunay na pagmamahal ay ang pagbibigay laya natin na mabuhay sila, ang pag-alala na tulad natin ay may sari-sarili din silang mga buhay at mga tungkulin na dapat nilang gampanan, paghusayan at pagtagumpayan. ‘Yon ang tunay na pagmamahal, ‘yung tapang na hawakan ang mga bulaklak sa ating mga kamay ng may katamtamang higpit at luwag. Dahil kung tunay din nila tayong minamahal, umalis man sila, meron tayong katiyakan na sila ay manunumbalik. O ang mas mainam, sa kabila ng kakayahan nilang lisanin ang ating mga kamay, patuloy na nananatili…

Nananatili sa ating mga kamay,

Nananatili sa ating mga buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s